Naranasan mo na bang mabagsakan
ng sarili mong mundo? Yung tipong nagpapakatatag ka para maabot ang mga
pangarap sa buhay pero sa isang iglap ay maglalahong parang bula at mapapalitan
ng walang hanggang pagka-dismaya at at paninisi sa mapagbirong kapalaran? Dati
akong masigasig na tao noon, nagsusumikap paaralin ang sarili sa kolehiyo para
kako makatulong sa mga kapatid ko pagdating ng araw na makapagtapos. Trabaho’t
aral lang ang inaatupag ko noon, dahil pursigido akong makatapos sa kursong Education
at sa katunayan nasa 3rd year college na ako at dalawang taon na
lang ay magkaka-diploma na ako. Limang taon kasi ang weekend class ng kurso ko
pero ayos lang sa’kin basta makapag-aral lang. Hanggang sa isang araw ay napuna
ng amo ko ang paninilaw ng mga mata ko at maging ang balat, nagduda siyang baka
may nararamdaman akong sakit sa loob ng katawan na hindi ko namamalayan. Napansin
din niya ang sobrang pangangayayat ko kaya di siya nagdalawang isip na itakbo
ako sa isang doctor at sasagutin daw niya ang lahat ng gastusin para malaman
ang aking karamdaman. Sa katunayan ay dati ng nagdilaw ang mga mata at kutis ko
noong nasa high school pa ako pero makalipas ang ilang buwan ay kusa rin namang
nawala kaya akala ko ay ayos lang. Sa sobrang abala ko sa mga gawain at sa
trabaho ay di ko man lang napansin na bumalik na naman yung dating karamdaman
na hindi ko alam kong ano ang tawag. Sinamahan niya ako sa doctor, at sa unang
pagkakataon ay maipapatingin ko ang sarili dahil sobrang abala at gastos lang
para sa akin ang pagpapatingin sa mga doctor. Akala ko ay isang simpleng
check-up lang ang gagawin niya at pagkatapos ay reresitahan lang ako ng gamot
para sa paninilaw, pero akala ko lang pala. Kinailangan kong magpakuha ng dugo
para sa mas malalim na pagsusuri, at dahil sa libre naman ay wala akong angal
kahit pa takot ako sa mga injections. Nagbiro pa ang nurse na kumuha ng dugo ko
at nagtanong kung saan ko raw nilagay ang mga dugo ko dahil ang bagal mapuno ng
isang boteng maliit na sinasalinan niya ng dugo. Matapos akong pakunan ng dugo ay pinabalik ako
ng doctor kinabukasan para sa mga resulta ng tests na gagawin nila,
pinagbawalan din akong kumain mula hapon hanggang sa agahan kinabukasan para
daw sa isang ‘Ultrasound’. Di ko lubos maisip na sa buong buhay ko ay dadaan
ako sa isang Ultrasound, pero tumuloy parin ako para na rin malaman kung ano ba
talaga ang sanhi nitong nakaka-inis na paninilaw ng mata ko.
Nang makauwi ako galing sa
laboratory, agad akong nagsaliksik tungkol sa paninilaw ng mga mata at balat,
ang daming mga impormasyong nagkalat sa internet at di ko alam kung may
katotohanan ba ang lahat ng yon. Pero sa mga nabasa ko ay nakaramdam na ako ng
konteng takot na baka nga may sakit akong hepa dahil taglay ko ang mga simtomas
ng sakit kaya nagdasal na lang ako na wag naman sanang ipahintulot ng
panginoon. Bumalik ako sa laboratory kinabukasan para sa Ultrasound at para makuha
ang mga resulta at maipaliwag na sa akin ng doctor. Nang hawak ko na ang mga
tests-results, humarap ulit ako sa doctor na tumingin sa akin. Walang
pagdadalawang isip niyang sinabi na hepatitis-B positive ang sakit ko batay sa
mga resulta ng laboratory tests. Nanlumo ako agad habang patuloy siyang
nagsasalita tungkol sa kung anu-ano, wala na akong ganang makinig sa kanya nang
sandaling ‘yon dahil sa sobrang pagka-dismaya. Hindi biro ang Hepatitis-B, alam
kong daig mo ko pa ang lumpo kapag may Hepa, dahil walang sino mang tatanggap
sa akin sa trabaho at ang mas masakit ay hindi ito nagagamot at walang gamot na
makakapagpagaling sa ganitong sakit. Pigil na pigil na ang mga luha ko nang
sandaling ‘yon habang nasa harap ako ng doctor, ayaw kong makita niyang iiyak
ako dahil maging siya ay may pagka-dismaya at parang malungkot din habang
nagsasalita. Parang alam niya ang sakit na nararamdaman ko. Pinilit niyang
magpaliwanag sa harap ko at nagpayo na kailangan ko pa raw pumunta sa isa na
namang doctor na eksperto sa pagtingin sa atay at sa mga may hepa para malaman
ko kung gaano na kalala ang kalagayang ng aking atay at para na rin magabayan
ako sa tamang pag-aalaga nito. Nagkunwari akong nakikinig sa kanya pero ang
totoo ay wala na akong balak pang pumunta pa sa ibang doctor at sapat na sa
akin na malamang may hepa-b ako, at isa ng walang kwentang nilalang.
Nabulabog ang pamilyang
tinutuluyan ko nang sabihin ko sa kanila ang aking kapansanan, maging sila ay
hindi makapaniwalang nagkaroon ako ng ganitong sakit dahil bihirang-bihira lang
akong uminom at walang bisyo. Malungkot ko ring ibinalita sa amo ko ang
kinalabasan ng tests, at maging siya ay nalungkot para sa akin. Dahil
nakapag-enroll ako sa college isang linggo bago pa magpasukan, agad akong
nag-withdraw at di na nagpatuloy pa sa pag-aaral. Naisip kong kahit na
makatapos ako sa kursong pinagpupursigihan ko ay wala rin akong makikitang
trabaho dahil dito sa Pilipinas ay talamak ang discriminasyon at panghuhusga sa
mga kagaya kong may hepa. Masakit ma’y buong-buo kong tinanggap ang biro ng
kapalaran kahit hindi ko alam kung saan ko nakuha ang ganitong sakit. Nawalan
ako ng pag-asa, nawalan na ng direksyon ang buhay ko mula ng malaman kong may
hepa ako. Nang mamatay ang amo kong lalaki ay nawalan narin ako ng trabaho,
kaya sinubukan ko paring mag-apply sa mga kumpanya sa pagbabaka-sakaling
makakuha ulit ng matinong trabaho. Pero wala e, kahit may kapit ako sa loob ay
di ako tinatanggap, unang tingin pa lang nila sa mga mata ko at sa kulay ng
kutis ko, alam na nilang may sakit ako. Hindi ko na mabilang ang mga
pinag-aplayan kong trabaho pero walang ni-isa man ang tumanggap sa akin, parang
automatic reject agad pag may hepa, parang di ka tao at di mo kayang gawin ang
ipapagawa nila at parang mahahawaan mo rin sila kapag tinanggap ka nila. Sa
dami nang mga rejections na tinanggap ko mula sa mga inaplayan kong mga
kumpanya, parang maihahalintulad ko na rin ang sarili ko sa isang basura,
walang silbi, walang puwang at walang kwenta.
Hanggang
ngayon wala akong trabaho, pa extra-extra lang sa pagba-blog kapag ginaganahang
magsulat, pero hindi naman talaga ito ang pinapangarap ko sa buhay. Yung dating
hindi umiinom at naninigarilyong ako ay wala na dahil halos gabi-gabi na akong
tumutuma ng alak, at kadalasan hard. Dumating na rin yong punto maging ang
Diyos ay sinisi ko na, di ko naman hiningi ang ganitong karamdaman, parang
binaliktad lang niya ang mga simpleng panalangin ko noon. Kahit konteng gabay
at ilayo lang niya ako at ang pamilya ko sa kahit anong sakuna, yon lang ang
panalangin ko sa kanya pero kabaliktaran ang natanggap ko. Uo wala akong
karapatang sisihin siya, pero di ba ang lupit? Bakit ako pa na siyang inaasahan
ng mga magulang kong tutulong sa mga kapatid ko? Bakit ako na siyang may
pananaw sa buhay at maraming pangarap? Siguro sasabihin mong ibinigay niya ang
sakit na ‘to sa akin para mas lalo pa akong manalig sa kanya, kalokohan! Ang
lupit naman niya para ganituhin ako, sana kinuha na lang niya ako para di na
ako magdusa sa bawat gabing napapaluha sa kakaisip sa di natakasang kapalaran.
Sana kinuha na lang niya ako, kaysa naman pahirapan pa niya ako ng ganito. Walang silbi at nagiging pabigat na sa
pamilya dahil sa walang mahanap na pera. Ngayon tinutulungan ko lang ang sarili
kong mapadali ang paghihirap, kahit panay ang payo ng mga nakaka-alam tungkol
sa mga bawal, yon ang kinakain at iniinom ko.
Bro..take it easy. Kwento ko sayo un sitwasyon ko. Bata palang ako madilaw na ang mata ko. Pero since wala nmn ako alam sa ganun klase ng saket kaya baliwala lamg saken. Nun gradeskul ako nagpagamot ako then lahat ng test is negative naman. Pero pinaninom ako ng doctor ng essencially. Nawala paninilaw ng mata ko. Nu nag hs ako bumalik nanaman kc tinigil kona un pag inom ng gamot. Hangang sa nakasanayan kona un ganun stado. Nag college ako hangang sa nagka work pero ganun padin un mata ko. Nagkawork at most of my cpmpany may kinalaman sa food. Pero dko alan kung anong swerte meron ako kc lageng negative lahat mlng test. Kaya parang dko naman na inisip na may hepa ako dahil sa paninilaw ng mata ko. Then last 2012 i decided na magtry mag abroad pero lake ng pangamba ko sa sitwasyon ko kc nakakatakot ma reject. Alam muna madilaw ang mata tapos mag aabroad??? Iwan koba malakas lang tlaga tiwala ko sa sarili ko at kay Papa GOD kaya tinuloy kopa din. Ayun nga bigla tumwag un agency ko ok un med ko negative lahat at wait nalang ako ng visa ko dito sa UAE. Hangang nakaalis ako bro mag 4yrs na ako. Yearly ang medical namen. Evrytime may medical ako nagwoworry ako kc baka nga maharang ako dahil sa mata ko. Sa june medical ko nanaman. Tlagang faith at dasal lang kay GOD kc kung tlagang para saken to mag stay ako dito dba? Kung tlagang ndi nato para saken mapapauwe naku this year. Wag nmn sana mangayare. Kaya ramdam kita. Un lahat ng na eexperience mu nararanasan ko yan hanggang ngaun. Kung sa saket immune naku kakarinig ng mga tanong nilang walang katapusan. May hepa kaba? Baket madilaw mata ko? Ndi kona sila pinag aaksayahan na sagutin. Ang work kopa aman sales assistant kaya araw2 nakikisalamuha ako sa ibat ibat uri ng klase ng tao dito. Minsan natatakot ako kc baka may isang customer na magreport sa kaso ko at baka pauwiin ako. Tiwala lang bro. Samahan muna din ng dasal. Ako sa ngaun dko pa din alan kung may hepa ako o wala. Godbless sa ten bro.
ReplyDeleteBro..take it easy. Kwento ko sayo un sitwasyon ko. Bata palang ako madilaw na ang mata ko. Pero since wala nmn ako alam sa ganun klase ng saket kaya baliwala lamg saken. Nun gradeskul ako nagpagamot ako then lahat ng test is negative naman. Pero pinaninom ako ng doctor ng essencially. Nawala paninilaw ng mata ko. Nu nag hs ako bumalik nanaman kc tinigil kona un pag inom ng gamot. Hangang sa nakasanayan kona un ganun stado. Nag college ako hangang sa nagka work pero ganun padin un mata ko. Nagkawork at most of my cpmpany may kinalaman sa food. Pero dko alan kung anong swerte meron ako kc lageng negative lahat mlng test. Kaya parang dko naman na inisip na may hepa ako dahil sa paninilaw ng mata ko. Then last 2012 i decided na magtry mag abroad pero lake ng pangamba ko sa sitwasyon ko kc nakakatakot ma reject. Alam muna madilaw ang mata tapos mag aabroad??? Iwan koba malakas lang tlaga tiwala ko sa sarili ko at kay Papa GOD kaya tinuloy kopa din. Ayun nga bigla tumwag un agency ko ok un med ko negative lahat at wait nalang ako ng visa ko dito sa UAE. Hangang nakaalis ako bro mag 4yrs na ako. Yearly ang medical namen. Evrytime may medical ako nagwoworry ako kc baka nga maharang ako dahil sa mata ko. Sa june medical ko nanaman. Tlagang faith at dasal lang kay GOD kc kung tlagang para saken to mag stay ako dito dba? Kung tlagang ndi nato para saken mapapauwe naku this year. Wag nmn sana mangayare. Kaya ramdam kita. Un lahat ng na eexperience mu nararanasan ko yan hanggang ngaun. Kung sa saket immune naku kakarinig ng mga tanong nilang walang katapusan. May hepa kaba? Baket madilaw mata ko? Ndi kona sila pinag aaksayahan na sagutin. Ang work kopa aman sales assistant kaya araw2 nakikisalamuha ako sa ibat ibat uri ng klase ng tao dito. Minsan natatakot ako kc baka may isang customer na magreport sa kaso ko at baka pauwiin ako. Tiwala lang bro. Samahan muna din ng dasal. Ako sa ngaun dko pa din alan kung may hepa ako o wala. Godbless sa ten bro.
ReplyDeleteAko naman po :( parang tinamad na sa lahat kase lifetime nga daw po ito gaano kahirap dipa po 😞😒 Pero im thankful na den ako kase eto na ung way ni Lord para maka iwas ako sa bisyo 😒☺️ Deserve ko na den kase nga po matigas ulo ko pero syempre may point na bat ako pa diba? Sumasakit sikmura ko nasusuka ako pero natural lang daw yon ayst pero basta Faith lang kay Lord 😇
ReplyDelete