NAKAKAHAWA ANG HEPA
Hello, nabasa ko lang ang blog na
‘to ng di sinasadya. Nang matapos kong basahin ay nagkaroon ako ng lakas ng
loob na magsulat na rin ng kwento tungkol sa hirap na dulot ng sakit ko.
Hepatitis B positive ako at masayang-masaya ako nang malamang di lang pala ako
ang taong nagdurusa sa ganitong karamdaman. Ang totoo hindi ko talaga alam kong
saan ako nahawa ng hepa, pero kung paano o kung saan man ay ayaw ko ng malaman.
Ang masakit lang, nalaman ko lang na may Hepa ako nang isilang ko ang unang
anak namin ni mister at ang napakasait maging ang anak ko ay nahawaan ng
malupit na sakit. Kung nalaman ko lang sana ng maaga na may ganito pala akong
karamdaman, hindi na lang sana ako nag-asawa para hindi ko na nasalinan ang
kawawa kong anak. Hindi man lang niya natakasan ang hindi ginustong sakit.
Ngayon ay high-school na ang anaka ko, pero hindi pa rin niya alam na may hepa
din siya dahil ayaw naming ipaalam ng mister ko sa kadahilanang ayaw naming
mawalan siya ng pag-asa at gana sa buhay. Pilit naming tinatago sa kanya ang
katutuhan habang pinapainom o kaya’y tinuturukan siya ng gamot na pangontra sa
virus na dala ng Hepa. Pero kahit na lingid sa kaalaman ng anak ko ang
karamdaman niya, damang-dama ko naman ang sakit na taglay niya lalo na kapag
nakikita ko siyang hinihingal o kaya’y nawawalan ng lakas o kaya kapag
naninilaw ang mga mata. Parang akong tinutusok ng karayom habang pilit na
isinasaksak sa isipan niyang normal lang ang mga karamdamang dinadaing niya. Panay
ang dasal ko na sana ako na lang ang dinapuan ng sakit, pero may mga dasal
talagang hindi naririnig. More powers nalang po sa blog na’to.
---Maylen---Hepa Carrier
hi,sabi mo nahawaan ang anak mo,bkt nung pinagbubuntis moba sya hindi ka ngpa medical at nung ipinanganak moba sya hindi sya binigyan ng injection na imunuglobin?
ReplyDeletehi,sabi mo nahawaan ang anak mo,bkt nung pinagbubuntis moba sya hindi ka ngpa medical at nung ipinanganak moba sya hindi sya binigyan ng injection na imunuglobin?
ReplyDeleteBro..take it easy. Kwento ko sayo un sitwasyon ko. Bata palang ako madilaw na ang mata ko. Pero since wala nmn ako alam sa ganun klase ng saket kaya baliwala lamg saken. Nun gradeskul ako nagpagamot ako then lahat ng test is negative naman. Pero pinaninom ako ng doctor ng essencially. Nawala paninilaw ng mata ko. Nu nag hs ako bumalik nanaman kc tinigil kona un pag inom ng gamot. Hangang sa nakasanayan kona un ganun stado. Nag college ako hangang sa nagka work pero ganun padin un mata ko. Nagkawork at most of my cpmpany may kinalaman sa food. Pero dko alan kung anong swerte meron ako kc lageng negative lahat mlng test. Kaya parang dko naman na inisip na may hepa ako dahil sa paninilaw ng mata ko. Then last 2012 i decided na magtry mag abroad pero lake ng pangamba ko sa sitwasyon ko kc nakakatakot ma reject. Alam muna madilaw ang mata tapos mag aabroad??? Iwan koba malakas lang tlaga tiwala ko sa sarili ko at kay Papa GOD kaya tinuloy kopa din. Ayun nga bigla tumwag un agency ko ok un med ko negative lahat at wait nalang ako ng visa ko dito sa UAE. Hangang nakaalis ako bro mag 4yrs na ako. Yearly ang medical namen. Evrytime may medical ako nagwoworry ako kc baka nga maharang ako dahil sa mata ko. Sa june medical ko nanaman. Tlagang faith at dasal lang kay GOD kc kung tlagang para saken to mag stay ako dito dba? Kung tlagang ndi nato para saken mapapauwe naku this year. Wag nmn sana mangayare. Kaya ramdam kita. Un lahat ng na eexperience mu nararanasan ko yan hanggang ngaun. Kung sa saket immune naku kakarinig ng mga tanong nilang walang katapusan. May hepa kaba? Baket madilaw mata ko? Ndi kona sila pinag aaksayahan na sagutin. Ang work kopa aman sales assistant kaya araw2 nakikisalamuha ako sa ibat ibat uri ng klase ng tao dito. Minsan natatakot ako kc baka may isang customer na magreport sa kaso ko at baka pauwiin ako. Tiwala lang bro. Samahan muna din ng dasal. Ako sa ngaun dko pa din alan kung may hepa ako o wala. Godbless sa ten bro.

ReplyDeleteSorry po sa aking tanong. Hindi po ba nahawa ang inyong mister mam?
ReplyDelete