WALANG PAG-ASA
Wag ka ng maniwala sa mga
bawal-bawal na yan. May Hepatitis A o B ka at walang makaka-gamot sa’yo habang
unti-unting sinisira ng pesteng sakit ang katawan mo. Kahit anong alaga pa ang
gawin mo, kahit anong ingat at gamot pa ang isaksak mo sa baga mo, wala ring
mangyayari dahil lahat walang silbi kabilang ka na. Ano pa nga ba ang silbi
nang mga taong kagaya mo na may ganyang sakit? Hindi ka makakahanap ng matinong
trabaho, trabaho na aayon sa mga pinangarap o pinaghirapan mo habang nag-aaral
ka. Malalaman mo na lang na nasisira na lahat ng mga pangarap mo dahil sa sakit
dahil walang puwang ang mga kagaya mo sa mundong ito. Gusto mong makatanggap ng
mga masasakit na panghuhusga? Sige subukan mong mag-apply sa mga malalaking
kumpanya at doon pa lang ay sasaksakin ka na ng mga mapaghusgang professional. Maniwala
ka, nang bago ko pa lang malaman ang sakit kong Hepa-B, pinilit kong mabuhay ng
normal, yung tipong wala akong sakit at kayang makipagsabayan sa takbo ng
pahanon. Pero wala eh, sadyang malupit ang tadhana dahil sa nakaukit na
kapalaran sa aking dugo hanggang sa unti-unti na ring nawala ang mga pangarap
ko’t natitirang konteng pag-asa. Naramdaman ko na lang na para akong nakabitin
sa bangin at nasa bingit ng pagkahulog habang sigaw nang sigaw ng tulong pero walang ni isa ang
nakakarinig. Nakalimutan ko na ang mga bagay na dati kong ginagawa, nahihiya na
ako sa mga kaibigan ko at hindi na ako lumalabas na gaya nang dati. Walang saya
sa buhay ko kahit may pagdiriwang, maaring ako’y napapangiti subalit sa
kaloob-looban ko’y para akong tinutusok ng matalim na bagay at sobrang sakit. Madalas
ko ng hanapin ang alak na naging bahagi na ng bawat gabi ko, parang normal na
sa akin ang matulog ng lasing at normal na sa aking panalangin na sana kunin na
ako ng maykapal at di na magtagal.
----Jay-----Hepatitis-B Positive.
Bro..take it easy. Kwento ko sayo un sitwasyon ko. Bata palang ako madilaw na ang mata ko. Pero since wala nmn ako alam sa ganun klase ng saket kaya baliwala lamg saken. Nun gradeskul ako nagpagamot ako then lahat ng test is negative naman. Pero pinaninom ako ng doctor ng essencially. Nawala paninilaw ng mata ko. Nu nag hs ako bumalik nanaman kc tinigil kona un pag inom ng gamot. Hangang sa nakasanayan kona un ganun stado. Nag college ako hangang sa nagka work pero ganun padin un mata ko. Nagkawork at most of my cpmpany may kinalaman sa food. Pero dko alan kung anong swerte meron ako kc lageng negative lahat mlng test. Kaya parang dko naman na inisip na may hepa ako dahil sa paninilaw ng mata ko. Then last 2012 i decided na magtry mag abroad pero lake ng pangamba ko sa sitwasyon ko kc nakakatakot ma reject. Alam muna madilaw ang mata tapos mag aabroad??? Iwan koba malakas lang tlaga tiwala ko sa sarili ko at kay Papa GOD kaya tinuloy kopa din. Ayun nga bigla tumwag un agency ko ok un med ko negative lahat at wait nalang ako ng visa ko dito sa UAE. Hangang nakaalis ako bro mag 4yrs na ako. Yearly ang medical namen. Evrytime may medical ako nagwoworry ako kc baka nga maharang ako dahil sa mata ko. Sa june medical ko nanaman. Tlagang faith at dasal lang kay GOD kc kung tlagang para saken to mag stay ako dito dba? Kung tlagang ndi nato para saken mapapauwe naku this year. Wag nmn sana mangayare. Kaya ramdam kita. Un lahat ng na eexperience mu nararanasan ko yan hanggang ngaun. Kung sa saket immune naku kakarinig ng mga tanong nilang walang katapusan. May hepa kaba? Baket madilaw mata ko? Ndi kona sila pinag aaksayahan na sagutin. Ang work kopa aman sales assistant kaya araw2 nakikisalamuha ako sa ibat ibat uri ng klase ng tao dito. Minsan natatakot ako kc baka may isang customer na magreport sa kaso ko at baka pauwiin ako. Tiwala lang bro. Samahan muna din ng dasal. Ako sa ngaun dko pa din alan kung may hepa ako o wala. Godbless sa ten bro.
ReplyDeleteSir parang parehas tayo ng sitwasyon madilaw din mata matagal Na rin po ako ngwowork ung medical ko puro negative ang galing nyo po ah mkapaglibang bansa pa po kayo
DeleteBro..take it easy. Kwento ko sayo un sitwasyon ko. Bata palang ako madilaw na ang mata ko. Pero since wala nmn ako alam sa ganun klase ng saket kaya baliwala lamg saken. Nun gradeskul ako nagpagamot ako then lahat ng test is negative naman. Pero pinaninom ako ng doctor ng essencially. Nawala paninilaw ng mata ko. Nu nag hs ako bumalik nanaman kc tinigil kona un pag inom ng gamot. Hangang sa nakasanayan kona un ganun stado. Nag college ako hangang sa nagka work pero ganun padin un mata ko. Nagkawork at most of my cpmpany may kinalaman sa food. Pero dko alan kung anong swerte meron ako kc lageng negative lahat mlng test. Kaya parang dko naman na inisip na may hepa ako dahil sa paninilaw ng mata ko. Then last 2012 i decided na magtry mag abroad pero lake ng pangamba ko sa sitwasyon ko kc nakakatakot ma reject. Alam muna madilaw ang mata tapos mag aabroad??? Iwan koba malakas lang tlaga tiwala ko sa sarili ko at kay Papa GOD kaya tinuloy kopa din. Ayun nga bigla tumwag un agency ko ok un med ko negative lahat at wait nalang ako ng visa ko dito sa UAE. Hangang nakaalis ako bro mag 4yrs na ako. Yearly ang medical namen. Evrytime may medical ako nagwoworry ako kc baka nga maharang ako dahil sa mata ko. Sa june medical ko nanaman. Tlagang faith at dasal lang kay GOD kc kung tlagang para saken to mag stay ako dito dba? Kung tlagang ndi nato para saken mapapauwe naku this year. Wag nmn sana mangayare. Kaya ramdam kita. Un lahat ng na eexperience mu nararanasan ko yan hanggang ngaun. Kung sa saket immune naku kakarinig ng mga tanong nilang walang katapusan. May hepa kaba? Baket madilaw mata ko? Ndi kona sila pinag aaksayahan na sagutin. Ang work kopa aman sales assistant kaya araw2 nakikisalamuha ako sa ibat ibat uri ng klase ng tao dito. Minsan natatakot ako kc baka may isang customer na magreport sa kaso ko at baka pauwiin ako. Tiwala lang bro. Samahan muna din ng dasal. Ako sa ngaun dko pa din alan kung may hepa ako o wala. Godbless sa ten bro.
ReplyDelete