DISKRIMINASYON
Nag-apply ako sa isang fast-food chain kanina kasabay ang isa kong barkada. Sabi kasi niya maraming hiring at pwede sa mga gaya naming gustong maging working students dahil pwede kaming mamili ng oras kung kelan namin gustong magtrabaho. Ayos, magandang opportunidad para sa mga kagaya kong hirap na hirap sa pag-aaral ng kolehiyo, gustong-gusto ko kasing makahanap ng part-time job para makatulong man lang sa bayarin ng matrikula ko. Masaya pa kaming dalawa ng kaibigan ko habang nag-aantay sa manager na mag-iinterview sa amin kasama nang iba pang mga nag-aaply. Sa kalaunan ay na-interview ang kaibigan ko at sumunod naman ako. Heto ang mga ilang tanong na natatandaan ko sa kanyang pagtatanong.
Nag-apply ako sa isang fast-food chain kanina kasabay ang isa kong barkada. Sabi kasi niya maraming hiring at pwede sa mga gaya naming gustong maging working students dahil pwede kaming mamili ng oras kung kelan namin gustong magtrabaho. Ayos, magandang opportunidad para sa mga kagaya kong hirap na hirap sa pag-aaral ng kolehiyo, gustong-gusto ko kasing makahanap ng part-time job para makatulong man lang sa bayarin ng matrikula ko. Masaya pa kaming dalawa ng kaibigan ko habang nag-aantay sa manager na mag-iinterview sa amin kasama nang iba pang mga nag-aaply. Sa kalaunan ay na-interview ang kaibigan ko at sumunod naman ako. Heto ang mga ilang tanong na natatandaan ko sa kanyang pagtatanong.
MANAGER: Ah, so gusto mong maging
working student? Teka lang muna, parang naninilaw ang mata mo?
AKO: Wala naman po sigurong
kinalaman yan sa gagawin kong trabaho dito mam incase matanggap ako.
MANAGER: Anong wala? Di mo ba
alam na senyalis yan na baka may sakit kang dinadala?
AKO: Kung meron man akong sakit
mam, hindi naman po ako nakakahawa dahil magtatrabaho lang naman ako.
MANAGER: I think there’s
something wrong in your liver, either hepatitis or whatsoever. You better go to
a doctor to have check-up. Sorry but we are not going to hire you due to the
color of your eyes.
Nang banggitin niya ang
pagtatakwil sa akin, agad na akong tumayo at di na nagsalita pa kahit ano.
Hindi na rin ako nag-abalang magpa-alam dahil walang kwentang tao naman ang
kinausap ko. Hindi ako galit sa inaplayan ko, galit ako sa sistema. Biruin mo,
nakita lang nilang dilaw ang mata ko, hinusgahan na nila ako na parang pumatay
ng tao sa harapan nila. Itinaboy na nila agad ako without asking kung ano ang
kaya kong gawin, kung ano ang ginagawa ko sa buhay para maitaguyod ang sarili
sa hirap sa matinong paraan. Hindi man lang tiningnan kong gaano ko
pinaghirapan ang mga gradong nakalagay sa transcript ko dahil lang sa nakita
nilang dilaw ang mga mata ko. Masakit ang ganitong klaseng panghuhusga, para
bang magdadala ka ng matinding salot sa kumpanya nila kapag tinanggap ka kaya
kailangang palayasin ka bago pa makahawa at makapaminsala sa kung sinong
parokyano ng negosyo nila. Gusto ko lang naman magtrabaho, kahit ano basta kaya
lang ng katawan ko tatanggapin ko kahit pa pahugasin nila ng plato o kaya
anidoro o kaya gawing taga-dila nang mga pinagkainan ng mga customers gagawin
ko para lang kumita ng pera. Yun lang ang ipinunta ko sa kompanya nila, pero di
ko akalaing pagmamalupitan nila ako ng husto sa pamamagitan ng matinding
panghuhusga. Sana umunlad pa kayo. Based on my true experience.
---Kyle
Hepa
B Acute Positive---
Bro..take it easy. Kwento ko sayo un sitwasyon ko. Bata palang ako madilaw na ang mata ko. Pero since wala nmn ako alam sa ganun klase ng saket kaya baliwala lamg saken. Nun gradeskul ako nagpagamot ako then lahat ng test is negative naman. Pero pinaninom ako ng doctor ng essencially. Nawala paninilaw ng mata ko. Nu nag hs ako bumalik nanaman kc tinigil kona un pag inom ng gamot. Hangang sa nakasanayan kona un ganun stado. Nag college ako hangang sa nagka work pero ganun padin un mata ko. Nagkawork at most of my cpmpany may kinalaman sa food. Pero dko alan kung anong swerte meron ako kc lageng negative lahat mlng test. Kaya parang dko naman na inisip na may hepa ako dahil sa paninilaw ng mata ko. Then last 2012 i decided na magtry mag abroad pero lake ng pangamba ko sa sitwasyon ko kc nakakatakot ma reject. Alam muna madilaw ang mata tapos mag aabroad??? Iwan koba malakas lang tlaga tiwala ko sa sarili ko at kay Papa GOD kaya tinuloy kopa din. Ayun nga bigla tumwag un agency ko ok un med ko negative lahat at wait nalang ako ng visa ko dito sa UAE. Hangang nakaalis ako bro mag 4yrs na ako. Yearly ang medical namen. Evrytime may medical ako nagwoworry ako kc baka nga maharang ako dahil sa mata ko. Sa june medical ko nanaman. Tlagang faith at dasal lang kay GOD kc kung tlagang para saken to mag stay ako dito dba? Kung tlagang ndi nato para saken mapapauwe naku this year. Wag nmn sana mangayare. Kaya ramdam kita. Un lahat ng na eexperience mu nararanasan ko yan hanggang ngaun. Kung sa saket immune naku kakarinig ng mga tanong nilang walang katapusan. May hepa kaba? Baket madilaw mata ko? Ndi kona sila pinag aaksayahan na sagutin. Ang work kopa aman sales assistant kaya araw2 nakikisalamuha ako sa ibat ibat uri ng klase ng tao dito. Minsan natatakot ako kc baka may isang customer na magreport sa kaso ko at baka pauwiin ako. Tiwala lang bro. Samahan muna din ng dasal. Ako sa ngaun dko pa din alan kung may hepa ako o wala. Godbless sa ten bro.
ReplyDelete