Kung positibo ka sa hepatitis A
man o B o kaya Z, malamang tinatanong mo ang sarili kung saan mo nakuha ang
sakit o kung saan ka nahawaan. May posibilidad kasi na bata ka pa lang ay nasa
dugo mo na ang sakit at huli na nang nagsilabasan ang mga sintomas na sinasabi
ng mga doktor. Posibleng nasa dugo nang mga magulang natin ang Hepatitis virus
at naisalin ito nang tayo ay ipinagbubuntis pa lamang ng ating ina. Pero kung
tingin mo ay malusog ka naman bago ka mahawaan o madapuan ng sakit, isipin mong
mabuti ang mga pinag-gagawa mo sa buhay para malaman kung saan mo napulot ang
nasabing sakit.
Mga bagay at gawain na posibleng makahawa ng Hepa:
1. Pagkain sa Carenderia o
Canteen – Alam naman natin na normal sa atin ang kumain araw-araw, pero marapat
lamang malaman natin ang kalinisan ng mga pinagkakainan natin. Maraming
kumakain sa mga carenderia o eatery at iba’t-ibang tao ang sumusubo sa mga
kutsara’t tinidor na paulit-ulit lang ginagamit matapos hugasan, maging ang mga
basong ginagamit pang-inom ay kung sino-sinong tao lang ang humahalik at
malamang isa sa mga taong ‘yon ay may Hepatitis at posibleng makahawa lalo na
kapag hindi nahugasang maigi ang mga ginamit niyang pinagkainan. Ang mahirap pa
hindi madaling malaman kung may sakit ang isang taong kumakain sa carenderia
dahil may iba’t-ibang katangian ang hepatitis, maaring normal lang siya sa
paningin natin at mukhang malusog dahil hindi naninilaw ang mga mata. Isa pang
dahilan kung bakit nakakahawa ang carenderia ay ang mga pagkaing naka-helera sa
canteen nila. Maaring kulang sa luto o kaya naman ay napanis na ang tindang
ulam, baka hindi ka lang magka-hepa, magkaka-cancer ka pa sa colon sa kakakain
ng hilaw na pagkain. Laging tingnan ang mga ulam na naka-display sa istante
nila at kapag ito’y bukas sa lahat ng taong umu-order habang nagsasalita,
malamang natalsikan na ng laway ang mga tindang ulam at baka ang may-ari ng
laway na ‘yon ay may Hepa o kaya AIDS.
Sinasabi ng mga doktor na hindi
raw nakakahawa ang hepa sa pamamagitan ng mga nabanggit, pero isipin mo naman
na negosyo nila ang manggamot kaya malamang gugustuhin nilang magkahawaan tayo
para marami silang kitain pag tayo naman ang nagkasakit. Hindi naman masama
kumain sa Carenderia basta samahan lang ng konteng ingat ang paglamon, magdala
nalang ng sariling kutsara at tinidor para mas ligtas.
2. Paggamit ng Shabu (DRUGS)
– Kung adik ka tapos bigla nalang bumigay ang ‘yong atay at nagkulay dilaw na
ang balat, wag ka ng magtaka. Ang shabu ay isang mapanirang elemento lalo na sa
ating katawan. Hindi lang utak ang tinitira ng shabu kapag ito ay isinasaksak
natin sa ating katawan lalo na sa pamamagitan ng injections o paggamit ng
karayom. Kapag ipinapadaan mo sa ugat
ang Bato, humahalo ito sa iyong dugo at ang dugo naman ay dumadaan sa atay para
malinis bago umikot ulit sa puso, baga at ibang parte pa ng ating internal
organs. Dahil ang atay ang sumasagap sa inihalo mong epektos sa iyong dugo, ito
rin ang kauna-unahang bibigay sa tapang ng gamot na iyong ginagamit. Baka hindi
ka lang magka-hepa magkaka-liver cancer ka pa. Saka yung karayom na ginagamit
mo baka may kalawang na at kung sino-sino pang ka pot-session mo ang nakagamit
kaya malamang nahawaan ka na nila ng sakit gaya ng panghahawa nila sa’yo para
gumamit ng shabu.
3. Pakikipagtalik (SEX)
– Normal lang na magkaroon tayo ng sex-life, boring naman kasi ang buhay kung
walang ganon. Pero dapat maging maingat tayo sa mga taong sisipingan natin
lalong-lalo na kapag wala tayong pambili ng Condom panagang sa nakakahawang
sakit. Nahahawaan ang mga taong nakikipagtalik dahil sa hindi safe na paraan
lalo na pag mahilig sa oral-sex. Maaring makuha ang virus sa likido ng ari o sa
laway ng kapares na hindi natin alam na carrier pala ng Hepatitis. Iwasan ding
gamitin ang babae kapag may regla at wag na wag dilaan ang red tide dahil tiyak
ng sasaniban ka ng mapanirang karamdaman.
4. Sobrang alak – Self-explanatory.
5. Maling pag-inom ng mga
Gamot – May lagnat ka tapos uminom ka ng diatabs e talagang masisira ang
atay mo ng hindi mo man lang namamalayan. Ang maling pag-inom ng gamot ay gaya
ng maling pagkarga mo ng gasolina sa sasakyang krudo ang kailangan, tiyak
masisira ang makina. Hindi naman masyadong talamak ang ganitong paraan para
mahawaan o makakuha ka ng Hepa, pero sa kakainom mo ng gamot ay unti-unting
nasisira ang mga cells ng atay mo lalo na kapag sobrang lakas ng dosage ng mga
gamot na iniinom mo.
Para sa mga kapwa ko may
hepatitis, tingin ko nakuha ko na ang sakit na ‘to mula sa nanay ko dahil sabi
niya’y dilaw din daw ang mga mata ng lolo ko noong ito’y nabubuhay pa,
inheritance kung baga. Hindi na rin ako masyadong lumaki’t tumangkad at payat
na mula nang bata pa, dahil ito sa sakit ko. Hindi ko naman masisisi si inay
dahil hindi rin naman niya ginustong hawaan ako ng ganitong karamdaman. Sa
ngayon, konteng iwas nalang sa mga bagay na maaring makalala sa karamdaman ko,
hindi na ako gaanong kumakain sa mga eateries o carenderias lalo na kapag
walang sariling dalang kutsara. Palagi talaga akong nagdadala ng kutsara sa
tuwing nagbabaon ako, hirap na baka hindi ako pagamitin ng kutsara’t tinidor nang
mga may-ari ng carenderia dahil baka matakot silang ako’y makahawa. Makikitid
at napaka-mapanghusga pa naman ng mga Pilipino.
I do not know if you would be interested in my case.Here is Dr Itua Contact Information,drituaherbalcenter@gmail.com Or mobile +2348149277967 He talk on Whatsapp too.
ReplyDeleteI was treated for Hepatitis C genotype 2 commencing on january 14, 2017 I was treated with Dr Itua Herbal Medicine which he prepared and send to me Via EMS Courier service and I received it @ Ohio Post Office .I drink in two weeks as he instructed me to and I was cured.Just in two weeks,Isn’t that joyful.yes i’m happy and my heart fill with joy.
I carry a high risk of Lymphoma relapse due to constant exposure to the hepatitis C virus.
In order for me to have the maximum chance of a cure from my Non-Hodgkins Lymphoma the Hepatitis C must be treated in a timely manner or my life hangs in jeopardy. Dr Itua made my life meaningful again.And to my friend Nicky who directed me to Dr itua herbal center i forever debted to you my dear friend.Doctor Itua Assured me he can as well cured the following desease,HIV,COPD,DIABETES,HERPES VIRUS,HEPATITIS,
How to communicate with the dr? At taga saan po siya? Please help me po my hepatitis B po ako
ReplyDeleteGuys. Buntis po ako 1 month and 3 weeks and napansin ng mama ko kaninang tanghali na naninilaw mata ko. Nagaalala ako para sakin at sa baby ko. I need advice po. Kahapon po okay naman mata ko, clear white pa sya. Ngaung tanghali lang nagkaganito.
ReplyDeleteIs it safe to take herbal remedies or supplements for my hepatitis B infection.Sakit.info\
ReplyDeleteask Kolang po, since birth dilaw napo tlga ung mata ko, 19 from now. Madilaw paden po sya, but tuwing magpapa laboratory poko is non reactive namn po ang result nkakailang laboratory poko same lang po sya talgang non reactive but dilaw po ang Mata ko, kahit nung mga bata palang poko, sabe po ng parent's ko is namana kopo sa Papa kopo, kaya mula pagkabata nadala kopo ang kulay dilaw ng mata kopo, aaminin kopo dati nkakainom den poko nung nag high school napoko but natigil po yun at Dina naulet po. then may anak napoko ang anak ko namn po is normal white color eye po. ask kopo wala namn poko bisyo pero bakit? Madilaw po ang mata ko?
ReplyDeleteAsk ko lang po ano po gamot sa hepatitis b
ReplyDeleteKasi nakalimutan ko ung gamot ko e baka nmn alam nio
ReplyDeletehello po sa inyong lahat. ask ko lang po , basi sa nababasa ko mahilig rin po ako uminum ng gamut sa tuwing nagkakasakit sa katawan kagaya ng lagnat, sakit sa ngipin . tapos po nun nung kinabukasan pag gising ko sobrang sakit ng tagiliran ko
ReplyDelete